
Shinagawa Info
10-15-2025
Ang pag-uusapan natin sa linggong ito ay tungkol sa kursong “Enjoy Life” para sa mga dayuhan.
May kabuuang tatlong sesyon ang gaganapin upang mabigyan ng kaalaman ang mga kasali na magiging kapaki-pakinabang sa panahon ng sakuna sa pamamagitan ng mga lecture sa pag-iwas sa sakuna at pagbisita sa mga fire station at iba pang pasilidad.
Ang mga petsa at oras ng mga session ay Nobyembre 14 at 21 mga araw na Biyernes mula 1:45pm – 3:30pm at Nobyembre 28, araw na Biyernes mula 1:30pm – 3:30pm.
Ang kurso ay bukas sa tatlumpu’t-limang dayuhan na nakatira, nagtatrabaho o nag-aaral sa Shinagawa City.
Ang interpretation sa English at Chinese ay available kapag may tatlo o higit pa sa mga nabanggit na wika ang gustong makinabang sa serbisyo.
Sa mga gustong sumali, mangyaring mag-apply sa Shinagawa-ku International Friendship Association counter o sa pamamagitan ng application form sa kanilang website bago ang Oktubre 31, araw na Biyernes.
Kung may mga katanungan ay pakitawagan ang Shinagawa-ku International Friendship Association sa 03-6426-6044.
---
(Audio) 10-15-2025 Nasa Himpapawid - Ang kursong “Enjoy Life” para sa mga dayuhan
---
品川区から、「外国人のためのエンジョイライフ講座」についてのお知らせです。
防災に関する講義や消防署などの見学を通して、災害時に役に立つ知識を身につける合計3回の講座を開催します。
日時は、11月14日と21日(金曜日)は午後1時45分~3時30分まで、11月28日(金曜日)は午後1時30分~3時30分までです。
対象は、品川区内在住・在勤・在学の外国人35人です。通訳は、英語・中国語で、各言語3人以上の希望がある場合に対応します。
参加を希望される方は、10月31日(金曜日)までに、品川区国際友好協会ホームページの応募フォーム、または、協会窓口にてお申し込みください。
お問い合わせは、品川区国際友好協会
電話番号:03-6426-6044 までお願いします。