Shinagawa Info
9-17-2025
Ang population census ay isang survey sa buong bansa na isinasagawa isang beses sa bawat limang taon.
Simula sa Setyembre 20, araw na Sabado, ang mga kumukuha ng census ay bibisita sa bawat tahanan upang mamahagi ng questionnaires.
Ang deadline sa pagtugon nito ay hanggang Oktubre 8, araw na Miyerkoles.
Ang mga tugon ay maaaring gawin sa pamamagitan ng internet gayundin sa pamamagitan ng natanggap na questionnaire, kaya mangyaring gamitin alinman sa mga nabanggit na paraan.
Ang mga kumukuha ng census ay magsusuot ng kanilang “Census Taker ID”.
Mangyaring mag-ingat sa mga kahinahinalang tawag sa telepono o pagbisita ng mga taong magsasabing sila ay tagakuha ng census, at iba pa.
Para sa mga katanungan, pakitawagan ang Community Activities Section ng Shinagawa City Office sa numero 03-5742-6869.
---
(Audio) 9-17-2025 Nasa Himpapawid - “Ipapamahagi ang Population census questionnaires”
---
品川区からのお知らせです。
国勢調査は、5年に一度行われる国の調査です。
9月20日(土曜日)から国勢調査員が各世帯を訪問し、調査票を配付します。
回答期限は、10月8日(水曜日)です。
回答は、紙の調査票のほか、インターネットからも可能です。ぜひご利用ください。
調査員は、「国勢調査員証」を身に着けています。
国勢調査員をかたる不審な電話や訪問などにご注意ください。
お問い合わせは、品川区役所 地域活動課
電話番号:03-5742-6869までお願いします。