NOW ON AIR
22:00-22:30
NO DJ

interfmを今すぐ聴く!!
利用規約等

NEWS

Ang Shinagawa International Friendship Association ay naghahanap ng mga Estudyante sa Japanese Language Classes

Shinagawa Info
2025/07/09


Shinagawa Info

7-9-2025


Gusto ‘nyo bang masaya sa pag-aaral ng Japanese?

Ang Shinagawa International Friendship Association ay naghahandog ng Japanese language education para sa mga taong ang native language ay hindi Japanese upang matutunan ang wika na kinakailangan para sa pang-araw-araw na buhay mula sa pangunahing kaalaman.


Ang nilalaman ay malapit na nauugnay sa pang-araw-araw tulad ng pagbati, pamimili o pakipag-usap sa ospital na makakatulong para makakuha ng pangunahing kasanayan na mapakinabangan sa inyong pang-araw-araw.

Ang mga klase ay nahahati sa tatlong antas, at ang mga araw at oras ay magkakaiba depende sa klase. May dalawampung klase at ang participation fee ay limang libong yen at karagdagang 2,640 yen para sa mga textbook.

Ang bawat klase ay limitado sa labing-anim na mag-aaral na isang first-come, first-served basis. Mag-uumpisa ang klase sa katapusan ng Setyembre.


Para sa mga detalye, mangyaring bisitahin ang website ng Shinagawa International Friendship Association o tumawag sa 03-6426-6044 para sa mga katanungan.



---

(Audio) 7-9-2025 Nasa Himpapawid - “Ang Shinagawa International Friendship Association ay naghahanap ng mga Estudyante sa Japanese Language Classes”

---


品川区からのお知らせです。


外国人の皆さん、日本語を楽しく学びませんか。

品川区国際友好協会では、日本語が母語でない方々に向けて、日々の暮らしに必要な日本語を

基礎から学べる教室を実施しています。


あいさつや買い物、病院での会話など、生活に密着した内容で、暮らしに役立つ基礎力が身につきます。


クラスは3つのレベルに分かれていて、曜日や時間は、クラスによって異なります。

回数は20回で、参加費は5,000円、テキスト代として、別に2,640円がかかります。

定員は、各クラス16人で、先着順です。

授業は、9月末からスタートです。


詳しくは、品川区国際友好協会のホームページをご覧いただくか、

電話番号 03-6426-6044 までお問い合わせください。